Nagising ako sa sunud-sunod na ring ng celfone. Missed call and text mula kay M reminding me of our 3pm meeting. pasado alas dose na ng tanghali. Halos sampung oras din tulog ko; pambawi sa puyat ng nagdaang gabi. Lumabas ako ng gate. Hinanap ko si Pahak. uutusan ko syang bumili ng tinapay at shampoo. Isa si Pahak sa mga tambay sa labasan. naghihintay silang mautusan kapalit ng suhol na pera. Si Pahak ang naging paborito kong runner. Masipag at listo, kahit may diprensya sa pandinig. Konting sigaw lang sa pagsasalita at magkakaunawan na kami.
Mabilis ang pik-ap ni Pahak sa "dalawang tinapay" pero sablay pagdating sa "shampoo." Natuyuan na ako ng laway sa paulit-ulit na pagbanggit ng head & shoulders. Di talaga makuha ni Pahak.! May isa pa akong ginagamit na shampoo; yun na lang pabibili ko sa kanya. Siguro naman pamilyar sya dito. Pero nakalimutan kong bigla ang brandname ng shampoo. It was only after he left I remember clear. Lakas makahawa ni Pahak.
Di pa ako tapos magligpit ng higaan kumakatok na sa pintuan si Pahak. Nag-init bumbunan ko nang mabungaran ang kanyang bitbit. Nakalagay sa isang supot ang palmolive (eto pala kilala nya) at dalawang tinapay. Tinanong ko sya. Sinagot ako ni Pahak na wala daw problema dahil malinis ang shampoo. Lalo akong na-bad trip sa kanyang sagot. Wala na akong nagawa. Sinuhulan ko si Pahak ng sampung piso. Nakangiti syang umalis; habang ako ay nagmamaktol pa.
Kahit paano, hindi nag-amoy shampoo ang tinapay. Pero di ko matanggap ang katwiran ni Pahak. Paano kaya naging malinis ang shampoo habang nakatiwangwang sa tindahan at sinasagap lahat ng alikabok; At sa gabi, mga daga't ipis naman ang nagsasamantala dito? Sigurado ako, ni sa hinagap di pumasok sa kukote ni Pahak ang gantong possibility. Kailangan gumawa ng paraan para malinis kong kainin ang tinapay. Then I came up with this idea.. I dip the bread into a cup of hot water, thinly peeled off its outer layer saka ko kinain. Presto! Siguradong bacteria-free ang tinapay na sumayad sa tiyan ko. Ginawa ko din ang proseso sa pangalawa. Pero natagalan yata ang pagsawsaw ko. Kaya nang iangat ko ito para balatan, humulagpos ang malambot na tinapay. Nadurog at nawasak ito nang bumagsak sa sahig. Di na umabot sa bibig ko ang tinapay ni Bungol!