10.08.2011

OPLAN NORA: Bigo si Fermin!

Image Detail

Kilala si cristy fermin sa apat na sulok ng local showbiz bilang isang kolumnistang dalubhasa sa paghabi ng malisyoso at mapanirang isyu. ang tila makatang estilo sa pagsusulat at mabulaklak na pananalita ang ginamit nyang sandata upang lumabas na kapani-paniwala ang kanyang mga imbentong ulat. maraming career ang nawasak dahil sa nakaririmarim na gawain ni fermin. mga artistang walang sapat na koneksyon upang linisin ang kanilang imahe na dinungisan ni fermin; gayunpaman, may mga bituing yumukod at napilitang magbigay "handog" upang tigilan na sila sa mapanirang birada ni fermin. sa kabila ng patuloy nyang paghahasik, bigo pa rin si cristy fermin sa kanyang pinakamimithing layunin--ang tuluyang pabagsakin ang nag-iisang superstar na si nora aunor!

gaano na nga ba katagal ang maitim na balak ni fermin? mahabang panahon na ang binilang. nasa amerika pa noon si nora at hanggang ngayon. patuloy nyang "pinapatay" ang superstar sa kanyang mga kolum at radio program. nang mapunta sa TV5 si nora, biglang kambyo ng 360 degrees si fermin. panay papuri sa superstar ang namumutawi sa kanya--fermin's hossanahs seemed too good to be true. indeed, it was! barely a week later, umatake ulit ang anay na si fermin. ano ba ang dahilan?

a couple of articles from *PEP dated august 31, 2011 & sep 3, 2011 provided a crystal clear view:
*nabanggit dun na si lala aunor ay self-appointed manager ni nora; gustong patalsikin si suzette, pero ipinagtanggol ito ni nora; nabanggit din ng superstar na kung sino pa yung kamag-anak yun pa ang naninira sa kanya.

simply put, nalaman ni nora ang mga paninira sa kanya ni fermin na allegedly ang source ay si lala. hindi nag-materialize ang plano ni lala na maging part  ng management team ni nora. bigo si lala sa kanyang designed plan; in effect bigo din si fermin who happens to be a close friend of lala.

ano man ang motibo nila, hindi maitatwa ang katotohang pumalpak ang bagong misyon. muling nabigo si fermin. poot at galit ang kanyang nararamdaman. kailangan nyang rumesbak sa pamamagitan ng pagkakalat ng kasinungalingan at maling impormasyon laban kay nora:  pero nagulat si fermin nang mabatid nyang  naririyan pa rin ang mga tagahanga ni nora; higit siyang nagulantang sa patuloy na paglaganap ng mga bagong sibol na kapanalig ng superstar. magkaiba man ng henerasyon, pinagbuklod ang mga tagahangang ito sa kanilang wagas na pagmamahal sa isang dakilang alagad ng sining. handa silang magtanggol at lumaban upang puksain ang sinumang kumanti sa kanilang superstar. pakiramdaman ni fermin ngayon, siya'y unti-unting nababaon sa hukay!


           

5 comments:

  1. ganon nan talaga pag ang mabuting tao pinag planuhan ng masama ang balik na karma nito sobra sobra..ganon pa man mas sumikat ngayon si Ate Guy dahil sa kabaitan at pag ka mapagmahal niya sa kanyang mga fans..mabuhay Ate Guy dito lang kami para sa iyo..sa iyo Cristy Lucefermin at Lala trulala Aunor ka pa naman..manahimik na kayo..

    ReplyDelete
  2. OO NGA BAKIT GANON KATINDI C FERMIN NA YAN, ANG GALING MAGSALITA -----PERO DYABLO PALA CIA KAY MS. NORA AUNOR...BUT INSPITE OF THAT.... MARAMING BLESSINGS ANG DUMATING SA SUPERSTAR, CONGRATS. MS. NORA AUNOR. TAKER AND MAY GOD BLESS U ALWAYS...

    ReplyDelete
  3. yan si cristy fermin,kahit noong araw wala nman naniniwala sa kanya dahil puro kasinungalingan ang pinagsasabi,ilang beses na syang nawalan ng trabho dahil sa ugali nya.sya ang plastic,kc kung ano ano ang sinasabi nya kay nora nung nasa US si ate guy,natural pag blik ni ate guy sa pinas she defend herself sa demonyo at ikaw yun fermin.makarma ka sana sa mga ginagawa mo sa kapwa mo.wag mong kantiin si ate guy kc isang salita lang nya sa mga noranian.maykalalagyan ka demonya ka.

    ReplyDelete
  4. You can never put a good person down! Superstar Nora Aunor is already an institution of Philippine entertainment....a very strong institution and as such, you, cristy fermin ay para kang bumangga sa isang cementadong pader at nakaharang pa ang mga libo-libong fans nya! How pathetic you are!

    ReplyDelete
  5. si cristy fermin, wala naman naniniwala dyan sa hungang bayan, basta kumita walang pakialam yan!....bayaran yan! at itong Lala Aunor walang utang naloob, kundi kay Nora di siya makikilala sa showbiz...akala nya basta ganun pabagsakin si Nora...ha,ha,ha, nagkakamali siya....dahil ang nagmamahalkay Nora tunay at handa siyang ipaglaban....humanda ka cristy fermin parami pa ng parami kami...

    ReplyDelete