Kilala si cristy fermin sa apat na sulok ng local showbiz bilang isang kolumnistang dalubhasa sa paghabi ng malisyoso at mapanirang isyu. ang tila makatang estilo sa pagsusulat at mabulaklak na pananalita ang ginamit nyang sandata upang lumabas na kapani-paniwala ang kanyang mga imbentong ulat. maraming career ang nawasak dahil sa nakaririmarim na gawain ni fermin. mga artistang walang sapat na koneksyon upang linisin ang kanilang imahe na dinungisan ni fermin; gayunpaman, may mga bituing yumukod at napilitang magbigay "handog" upang tigilan na sila sa mapanirang birada ni fermin. sa kabila ng patuloy nyang paghahasik, bigo pa rin si cristy fermin sa kanyang pinakamimithing layunin--ang tuluyang pabagsakin ang nag-iisang superstar na si nora aunor!
gaano na nga ba katagal ang maitim na balak ni fermin? mahabang panahon na ang binilang. nasa amerika pa noon si nora at hanggang ngayon. patuloy nyang "pinapatay" ang superstar sa kanyang mga kolum at radio program. nang mapunta sa TV5 si nora, biglang kambyo ng 360 degrees si fermin. panay papuri sa superstar ang namumutawi sa kanya--fermin's hossanahs seemed too good to be true. indeed, it was! barely a week later, umatake ulit ang anay na si fermin. ano ba ang dahilan?
a couple of articles from *PEP dated august 31, 2011 & sep 3, 2011 provided a crystal clear view:
*nabanggit dun na si lala aunor ay self-appointed manager ni nora; gustong patalsikin si suzette, pero ipinagtanggol ito ni nora; nabanggit din ng superstar na kung sino pa yung kamag-anak yun pa ang naninira sa kanya.
simply put, nalaman ni nora ang mga paninira sa kanya ni fermin na allegedly ang source ay si lala. hindi nag-materialize ang plano ni lala na maging part ng management team ni nora. bigo si lala sa kanyang designed plan; in effect bigo din si fermin who happens to be a close friend of lala.
ano man ang motibo nila, hindi maitatwa ang katotohang pumalpak ang bagong misyon. muling nabigo si fermin. poot at galit ang kanyang nararamdaman. kailangan nyang rumesbak sa pamamagitan ng pagkakalat ng kasinungalingan at maling impormasyon laban kay nora: pero nagulat si fermin nang mabatid nyang naririyan pa rin ang mga tagahanga ni nora; higit siyang nagulantang sa patuloy na paglaganap ng mga bagong sibol na kapanalig ng superstar. magkaiba man ng henerasyon, pinagbuklod ang mga tagahangang ito sa kanilang wagas na pagmamahal sa isang dakilang alagad ng sining. handa silang magtanggol at lumaban upang puksain ang sinumang kumanti sa kanilang superstar. pakiramdaman ni fermin ngayon, siya'y unti-unting nababaon sa hukay!