I still believe in paradise. But now at least I know it's not some place you can look for, cause it's not where you go. It's how you feel for a moment in your life... and if you find that moment... it lasts forever...
i returned home.. i went outside wanting to feel and see my old self through them, even just for a while. but.. the place i once lived, the people i used to know, and the person i was do not exist anymore... it's odd!
10.29.2010
Marriage & Paradise
10.13.2010
Robert Jaworski: The Living Legend Revisited
The following article was published in a tabloid newspaper on the occasion of Robert "Sonny" Jaworski's 46th birthday. I wrote this piece at the age of 18--during the time when part of my teenage life revolved around Jaworski and his team Ginebra. Dubbed as the Living Legend of Philippine basketball, Jaworski is one of the few public figures who had a profound impact on my life. His never-say-die attitude has earned him my utmost respect and admiration.
Ang dakilang araw na ito ang ika-46 kaarawan ng Buhay na Alamat ng Philippine Basketball. Sa paglipas ng tatlong dekada, nanatiling nakaukit sa bawat himaymay ng ating kamalayan ang pangalang Robert Jaworski. Wala na marahil iba pang nilalang sa sulok ng mundong ito na kasintanyag at kasinghalaga sa larangan na kanyang kinabibilangan maliban kay Robert Jaworski. Isang simpleng pagbanggit ng kanyang pangalan ay nangangahulugan ng basketball sa bansa.
Huling bahagi ng dekada 60 ng simulang maging bukambibig ang pangalang Jaworski--sa mga kanto ng squatters area, sa magagarang upisina ng kalakhang Maynila, hanggang sa pinakaliblib na bahagi ng bansa. May bago silang idolo ng basketball.Dahil kay Jaworski, dumami and bilang ng tagasubaybay ng basketball. Bawat uri ng tao ay humanga sa kanya at sa panahong iyon naging tanyag and numero 7 na taglay ng kanyang uniporme. Sa pagdaan ng panahon ang pangalang Jaworski ang lalong pumaimbulog sa kalawakan at mistulang isang liwanag na nais sakupin maging ang pinakamadilim na bahagi ng kawalan. Tanging si Big J lamang ang nagtataglay ng pinakamaraming lupon ng tagahanga na handang makipagpatayan para sa kanya.
Si Robert Jaworski ang pinaakmang ehemplo ng isang indibidwal na naglalayon na umangat ang estado sa buhay. Ang disiplina, determinasyon, dedikasyon at higit sa lahat, ang tibay at katatagan ng loob--mga klasikong pagkakataon na kung saan lugmok na ang kanyang team ay himalang naisasalba n'ya ito patungo sa tagumpay. Ang mga katangiang ito ang dahilan kung bakit tumagal ng napakahabang panahon sa basketball si Jaworski. Ito rin ang dahilan ng kanyang magnetong karisma na humihigop sa puso't isipan ng publiko at upang halos siya ay sambahin ng kanyang mga tagahanga.
Taong 1964 nang simulang bagtasin ni Jaworski ang daan patungo sa isang matagumpay na larangan. Naging Warrior siya at kagyat na nakita ang kahalagahan nya nang magkampeon ang UE sa UAAP. Tuloy ang paglikha ni Jaworski ng kasaysayan, napili siyang miyembro ng RP team na nagkampeon sa ABC sa South Korea. Nang taon ding iyon ay naging miyembro si Jaworski ng YCO Painters sa MICAA. Naging usap-usapan na ang pangalan niya at lalo itong lumikha ng ibang intensidad ng magbukas ang PBA taong 1975.
Sa gulang na 46, maaring nag-uumpisa pa lamang si Jaworski sa iba niyang hangarin, sa ibang tungkulin ngunit iisa ang mithiin ng marami, sana'y huwag magwakas ang mundong kanyang ginagalawan. Ang kalaban niya ngayon sa PBA ay halos nasa sinapupunan pa sa panahong pinagkakaguluhan naang pangalang Robert Jaworski. Minsan lang sa isang panahon dumating ang isang pambihirang nilalang. Mapalad tayo na naging saksi at bahagi ng isang alamat na magiging kasaysayan sa darating na henerasyon.
Halina't sabay nating namnamin ang kadakilaan ng kanyang pangalan hanggang sa umukilkil sa kaibuturan ng ating kamalayan at doon ay manatili magpakailanman.
Subscribe to:
Posts (Atom)